Add parallel Print Page Options

Siya ay lumabas at sumunod. Hindi niya alam na totoo ang nangyayaring ito sa pamamagitan ng anghel dahil ang akala niya ay nakakita lamang siya ng isang pangitain. 10 Nilampasan na nila ang una at ikalawang bantay. Dumating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod at ito ay kusang nabuksan para sa kanila. Sila ay lumabas at nagpatuloy sa isang lansangan. Bigla na lamang siyang iniwan ng anghel.

11 Nang maliwanagan si Pedro, sinabi niya: Ngayon ko nalamang totoong sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel upang iligtas ako mula sa kamay ni Herodes at sa mang­yayaring inaasahan ng mga Judio.

Read full chapter